by Boyet Jadulco, abante-tonite.com
Kahit inaprubahan na ng Sandiganbayan ang plea bargain agreement ni dating military comptroller Carlos Garcia sa Ombudsman, hindi pa rin tapos ang kanyang problema dahil maaari pa rin itong makulong sa bagong plunder case na kanyang kinakaharap.
Sinabi nina Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada at Sen. Antonio Trillanes IV na hindi sila nababahala sa naging desisyon ng Sandiganbayan dahil may kinakaharap pa rin itong plunder case na isinampa ni whistleblower at dating Armed Forces of the Philippines (AFP) budget officer George Rabusa.
“Hindi pa siya lusot d’yan, may plunder case pang finile si Rabusa,” babala ni Estrada kay Garcia.
“Hindi po kasi mayroon bagong plunder na kinakaharap si Gen. Garcia so kung nakalusot man siya sa una, heto pa rin haharapin niya so we should not be bothered at all by that,” dagdag ni Trillanes.
Noong Marso, isinampa ni Rabusa sa Department of Justice (DOJ) ang plunder case laban sa 17 personalidad na sangkot sa ‘pabaon system’ sa AFP, kabilang na rito sina dating AFP chief of staff Gen. Efren Abu, Diomedio Villanueva at Roy Cimatu at ang mga dating comptroller na sina Garcia at retired Lt. Gen. Jacinto Ligot.















D I S C L A I M E R :