Create Account | Sign In :: Blog | Radio
Blog  |  Cooking  |  Entertainment  |  Games  |  Movie Trailer  |  Music Video  |  News  |  Pinoy Shows  |  Radio Stations  |  Sports  |  Technology

Published - Bin Laden is Still Alive?

by Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Duda ang mga anak ni chief international terrorist Osama bin Laden na napatay ang kanilang ama sa isang pagsalakay ng tropang Amerikano sa pinagkukutaan nito sa Abbottabad, Pakistan kamakailan.

Sa isang pahayag na pinadala sa New York Times, posible raw na bihag lang ng US ang kanilang ama at pinalabas lang na ito’y patay na.

Sinabi ng ikaapat na anak na lalaki ni bin Laden na si Omar bin Laden na, dahil walang maipakitang bangkay o ebidensiyang litrato, hindi kumbinsido ang kanyang pamilya na patay na nga siya. Maniniwala lang umano sila kung maililitaw ng US ang mga larawan ng bangkay ni Osama.

Pinuna pa ni Omar na, kung patay na talaga ang kanilang ama, “bakit ang isang tao na hindi armado ay hindi inaresto nang buhay at nilitis sa korte ng batas para malaman ng mamamayan ng mundo ang katotohanan?”

Bunsod nito kaya nanawagan ang pamilya sa United Nations na gumawa ng imbestigasyon sa kahina-hinalang ulat na napaslang ang kanilang ama.

Sinasabi pa sa paha­yag na dapat ding pakawalan ang mga kamag-anak ni bin Laden na inaresto sa ginawang pagsalakay sa kanyang kuta sa Pakistan noong Mayo 2.

Naipagkait din umano sa kanilang pamilya ang pagsasagawa ng relihiyosong seremonya sa naging desisyon ng US na ilibing sa dagat ang bangkay ni bin Laden.

LIKE US ON FACEBOOK AND MEET NEW FRIENDS. ENJOY!


Comments are closed.

D I S C L A I M E R :
All images, videos and live streams are gathered free from the internet and are hosted on external third party websites. We do not accept any responsibility for content hosted on these third party websites and will not be held responsible. This site only contains embedded links from (justin.tv, ustream.tv, megaupload.com, dailymotion.com, myspace.com, ouou.com, stage6.com, tudou.com, veoh.com, youku.com, zshare.com, hayag.com, youtube.com and others.. ) We do not host or upload any videos, films or media files. eBenTa is not responsible for the accuracy, compliance, copyright, legality, decency, or any other aspect of the content of other linked sites. If you have any legal issues please contact appropriate media file owners / hosters. eBenTa fully acknowledge that copyright of all visual contents solely belongs to its respective owners. By visiting and opening posts and pages in this site, you accept that you are in compliance with the terms of its PRIVACY POLICY and DISCLAIMER.