By Bernard Taguinod & Boyet Jadulco, Abante Tonite
Ngayon pa lamang ay bistado na ang magiging diskarte ni Ombudsman Merceditas Gutierrez oras na mag-umpisa na ang impeachment trial ng Senado sa Mayo 9.
Naniniwala ang prosecution team ng Kamara na kung hindi na-impeach si Gutierrez ay hindi nito kakasuhan ng plunder si dating Agriculture Undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante na utak umano ng P728 milyong fertilizer fund scam.
Sa panayam kay Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas, mistulang aniyang napilitan lamang si Gutierrez na kasuhan si Bolante para patunayan na nagtatrabaho siya.
“If she were not impeached, she would not have filed the case at all,” komento pa ni Fariñas dahil kung talaga aniyang may plano si Gutierrez na sampahan ng kaso si Bolante at iba pang opisyal na sangkot sa fertilizer fund scam, hindi na ito dapat naghintay ng anim na taon bago isinampa ang kaso.
Dahil dito, sinabi ni Fariñas na lalong tumibay ang kanilang kaso laban kay Gutierrez at madadagdagan pa ito pagdating ng Agosto dahil sa plea bargain agreement na pinasok sa plunder case ni dating AFP Comptroller Maj. General Carlos Garcia.
Published: Saturday, April 16th, 2011
Category: Local News
Tags: carlos, garcia, gutierrez, merceditas, ombudsman



















D I S C L A I M E R :